Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Obrero naghamon ng away, tinodas

$
0
0

PATAY ang isang construction worker nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin matapos maghamon ng away sa kanilang lugar sa Brgy.Payatas, Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Vincent Deang, 30, ng 063 Bulacan St., Brgy. Payatas B, QC na nasawi noon din dahil sa tinamong maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Ayon kay SPO1 Alejandro Camacho, ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente sa Alley Group 3, Leyte St., Brgy. Payatas-B, QC dakong 11:45   kagabi.

Sinabi ni Camacho,  naghamon umano ng away sa kanilang lugar ang biktima habang armado ng isang jungle bolo.

Makalipas ang ilang minuto nakarinig na ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay dahilan para tumawag ang mga ito sa barangay at pulis.

Dito na natagpuan ang wala nang buhay na bangkay ng biktima at may tama ng mga bala ng baril sa katawan.

The post Obrero naghamon ng away, tinodas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>