NAGSAMPA ng habeas corpus si Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court (RTC) para sa kustodiya ng mga anak nila ng misis na si Claudine Barretto.
Ang habeas corpus na isinampa ni Raymart ay na-raffle bandang alas-diyes ng umaga kanina na napunta sa sala ni Executive Judge Lorna Chua Cheng ng Marikina RTC Branch 168.
Ang habeas corpus ay isinasampa ng magulang kapag tinanggalan siya ng kustodiya sa kanyang anak.
Ang habeas corpus na isinampa ni Raymart ay sagot ng aktor sa Temporary Protection Order (TPO) petition na inihain ni Claudine laban sa kanya noong July 29 sa sala ni Judge Geraldine Macaraeg ng Marikina RTC Branch 192.
The post Claudine kinasuhan din ni Raymart appeared first on Remate.