PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice ng tax evasion case sa korte ang isa sa mga abogado ng Ampatuan.
Sa 11 pahinang resolusyon ng DOJ, nakitaan nila ng probable cause upang tuluyan nang masampahan ng tax evasion case sa Court of Tax Appeals si Atty. Arnel Cortez Manaloto.
Sa imbestigasyong isinagawa ng Bureau of Internal Revenue, lumabag si Atty Manaloto sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code o pagkabigo na maghain ng tamang impormasyon sa kanyang income tax return.
Lumalabas din na buyer ng Ampatuan properties si Manaloto na naging dahilan naman upang hindi nito ihayag ang tamang impormasyon sa kanyang Income Tax Return.
Umaabot sa P27.56 million ang buwis na hinahabol ng gobyerno kay Manaloto.
Kasama ring kinasuhan ang kanyang CPA na si Erwin Sicangco Carreon na nag-examine at nag-audit ng book of accounts ni Manaloto noong 2011.
The post Abogado ng Ampatuans, pinakakasuhan appeared first on Remate.