IPINAHAHARANG ng isang kongresista sa Department of Justice ang mga ari-arian ng pamilya Napoles.
Nangangamba si Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga na kapag nagtagal pa baka ma-withdraw na ng mga Napoles ang kanilang deposito sa iba’t ibang bangko o maibenta ang kanilang mga ari-arian.
Sinuportahan din ng kongresista ang paglalagay ng DOJ kay Janet Lim Napoles at mga anak sa watchlist order.
Ngunit hindi aniya ito sapat kung kaya inudyukan niya ang DOJ na maghain ng petisyon sa korte para maisyuhan ng freeze order ang bank accounts nito at writ of attachment naman para sa iba pang assets ng pamilya Napoles.
Naunang iginiit ni Barzaga sa National Bureau of Investigation (NBI) na busalan ang mga saksi nito sa imbestigasyon ng P10 billion pork barrel scam.
Nairita ang kongresista kung bakit nakapagbigay pa ng mga pahayag sina Benhur Luy at Merlina Suñas gayung nag-iimbestiga na ang DOJ.
The post Ari-arian ng mga Napoles ipinahaharang appeared first on Remate.