MAWAWALAN ng bilyong kita ang lokal na pamahalaan ng Taguig kapag tuluyan nang nakuha ng Makati City ang Bonifacio Global City.
Nagpahayag ng pangamba si Taguig City Rep. Lito Cayetano na 80 porciento ng kita ng lungsod ang mawawala kapag ang Fort Bonifacio ay makuha ng Makati City.
Iginiit ni Cayetano na ipagtatanggol nila ang karapatan sa Fort Bonifacio kahit pa iakyat nila ito sa Kataas-taasang hukuman.
Sa Global City aniya nanggagaling ang 80% sa P5 bilyon na kita ng Taguig government taon-taon at malaking kawalan ito sa lungsod kaya’t hindi nila basta isusuko ang karapatan sa lugar.
Hindi ein aniya dapat magpakakampante dahil mahaba pa ang proseso kung saan mayroon pang motion for reconsideration at may apela pa rito na tiyak aabot pa ng ilang taon.
Naunang nag-ruling ang Court of Appeals na pag-aari ng Makati City at hindi ng Taguig ang Fort Bonifacio.
The post Bilyon mawawala sa Taguig pag wala ang Fort Bonifacio appeared first on Remate.