MAIBIBIGAY na sa mga susunod na araw ang benepisyong mahigit walong buwan nang hinihintay ng mga empleyado ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon kay Ramon Agustin, pangulo ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA), nalagdaan na ng Director’s level ang request para sa Special Allotment Release Order (SARO).
Sa oras na mapirmahan na ni Budget and Management (DBM) Director Teresita Salud ang SARO ay maaari na rin itong lagdaan ni DBM Undersecretary Mario Relampagos para sa pagpapalabas ng pondo.
Nakatakdang tumanggap ng P5,000 hanggang P7,000 benepisyo kada buwan ang pinakamababang ranggo ng empleyado ng PAGASA.
The post Benepisyo ng PAGASA employees maibibigay na appeared first on Remate.