SA Huwebes na sisimulan ng Senado ang imbestigasyon sa ‘sex for fly’ na kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Teofisto Guingona III, sa imbestigasyon pakikinggan ang magkabilang panig na kumpirmadong dadaluhan ng tatlong biktima na OFW.
Inimbitihan rin aniya ang mga inakusahang opisyal ng gobyerno subalit hinihintay pa ng Senado ang kanilang sagot kung dadalo ang mga ito sa imbestigasyon.
Nagbabala naman si Guingona na magiging disadvantage sa mga akusadong opisyal kung tatanggi ang mga ito sa pagdalo sa imbestigasyon.
Samantala, nasa Pilipinas na si Riyadh Labor Attache Adam Musa para magbigay ng panig sa gagawing imbestigasyon.
The post Imbestigasyon sa ‘sex for flight’ sa Huwebes na appeared first on Remate.