INILAGAY na sa alert level 1 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Yemen.
Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, kasunod ito ng report na iniutos na ng Estados Unidos sa mga mamamayan sa Yemen na lumikas na dahil sa banta ng terorismo.
Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ng DFA sa embahada ng bansa sa Riyadh na silang may hurisdiksyon sa Yemen na i-monitor ang sitwasyon sa naturang bansa at patuloy na makipag-ugnayan sa lahat ng mga Pinoy sa Yemen.
Aabot sa 1, 400 ang bilang ng mga Pilipino sa Yemen.
Sa alert level 1, inaabisuhan ang mga Pinoy sa Yemen na umiwas sa mga matataong lugar, mag-monitor at maghanda sa posibleng paglilikas sakaling lumala ang sitwasyon doon.
The post DFA: Alert level 1 itinaas sa Yemen appeared first on Remate.