TOP-TO-BOTTOM ang dapat na maging imbestigasyon ukol sa pork barrel scam.
Upang magkaroon ng positibong imbestigasyon, panawagan ng independent minority group sa Kamara na pinamumunuan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na simulan sa pork barrel ng presidente ang pagkalkal sa usaping ito sa isang joint investigation.
Ito ay matapos banggitin ng kongresista na ang pilit na pinalalaking isyu ukol sa pork barrel ng mga mambabatas ay isang porsiyento lamang ng kabuuang badyet ng bansa at pinakamalaking porsiyento aniya ay nasa disgresyon ng Malakanyang.
“We just learned this morning that our PDAF, senate and congressmen is only one percent of the total budget. We only identify the projects but the DBM disburse the budget.”
Samantala, tinutulan naman ni House Speaker Feliciano Belmonte ang panukalang magsagawa ng imbestigasyon ang Kongreso kaugnay sa P10 billion pork barrel scam.
Makakabubuti ayon kay Belmonte na ipaubaya na lamang sa National Bureau of Investigation at Office of the Ombudsman.
The post Malakanyang isama sa pork barrel probe appeared first on Remate.