LAHAT ay nagulat nang mag-propose ang aktor na si Jericho Rosales sa kanyang girlfriend na TV host na si Kim Jones.
Mismong ang misis ni Gary Valenciano ang nagkumpirma nang mag-post sa kanyang Twitter account ng: “And another miracle @jericho_rosales just proposed marriage to @kimcamjones onstage in church @newlife_ph Alabang! I spoke to both! Congrats.”
Sa mga nakaraang interviews, inamin ni Jericho na siya at si Kim ay napag-usapan na ang lumagay sa tahimik.
February 2012 nang ipakilala ni Jericho si Kim sa publiko partikular sa “KrisTV.”
Si Kim ay isang Filipino-British model na lumaki sa Australia, at isa sa host ng lifestyle show na “Etcetera.”
The post Jericho Rosales magpapakasal na appeared first on Remate.