INAALAM ng Taguig City police kung sinadya o aksidente ang pagkamatay ng 6-na taong gulang na babae makaraang tamaan ng bala ang kanyang dibdib kaninang umaga sa nabatid na lungsod.
Namatay habang ginagamot sa Rizal Medical Center sa Pasig City ang biktimang si Kim Aquino, ng Samama Road, Barangay Napindan, sanhi ng tama ng bala sa kanyang dibdib.
Sa inisyal na ulat mula kay Southern Police District (SPD) Director C/Supt. Jose Erwin Villacorte, alas-10 ng umaga ng maganap ang insidente sa Samama Road malapit sa Napindan Road sa nabatid na lungsod.
Nauna rito, isang alyas “Boy Pagkalinawan” ang nagpaputok ng baril sa nabatid na lugar kung saan ay agad itong tumakas bitbit ang hindi nabatid na kalibre ng baril matapos magpaputok sa hindi malaman na kadahilanan.
Hinala ng pulisya na hindi target ng suspek ang biktima sa halip ay may posibilidad na tinamaan ng ligaw na bala na nagresulta sa kamatayan nito.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente gayundin ang agarang ikadarakip ng tumakas na suspek.
The post 6-anyos patay sa ligaw na bala appeared first on Remate.