NIYANIG ng lindol na magnitude 6.0 ang northern Japan kaninang tanghali, Linggo.
Ayon sa United States Geological Survey (USG), naitala ang sentro ng lindol sa layong 57 kilometro silangan timog-silangan ng lungsod ng Ishinomaki na niyanig bandang alas-11:28 ng tanghali.
Wala namang inilabas na tsunami warning matapos ang lindol.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, naitala ang pagyanig sa may Miyagi prefecture, ang lugar na labis ding napinsala sa magnitude 9.0 quake noong 2011.
The post Japan nilindol ng magnitude 6.0 appeared first on Remate.