INABANDONA ang isang sanggol sa loob mismo ng jeepney terminal sa Quezon City kaninang madaling-araw, Agosto 2.
Natagpuan ang lalaking sanggol na wala pang isang taong gulang sa hulihang bahagi ng naturang terminal sa Barangay Immaculate Conception, Q.C.
Nadiskubre ang sanggol dakong 5:45 ng madaling-araw sa nasabing terminal ng isang jeep driver na nakilalang si Carlos Valbuena, siya na rin nagdala sa barangay officials para sa kaukulang disposisyon.
Sinabi naman ng mga barangay officials na ang sanggol na tinatayang 10 hanggang 11 buwan pa lamang ay malusog naman ang kalagayan nito.
Lumabas sa imbestigasyon na inabandona ng isang hindi nakikilalang babae na inilarawan na 25 hanggang 30 anyos at nakasuot ng blue shirt at denim pants ang nasabing sanggol.
Hinihinalang walang pera na pambili ng gatas ang nasabing babae kaya iniwan ang kanyang anak sa terminal.
Dinala na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing sanggol para sa kaukulang pangangalaga.
The post Baby, inabandona sa jeep terminal appeared first on Remate.