Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Total reforms ‘di privatization ang kailangan – Biazon

$
0
0

WALANG magaganap na pagsasapribado sa Bureau of Customs (BoC).

Ito ang naging tahasang pahayag ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozanno “Ruffy” Biazon upang alisin ang agam-agam ng mga kawani nito lalo na ang miyembro ng BoC Employees Association (BOCEA) na kamakailan ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa mga pagpuna sa kanilang hanay kahit anila hindi sila ang dapat sisihin kung may mga suliranin sa loob ng ahensya.

“Matagal na rin naman nilang position ‘yan. Sa ating bahagi, wala namang firm na plan na i-privatize ang BoC.  Ako rin mismo ay hindi naniniwala na dapat i-privatize,” ani Biazon.

Marahil, ayon sa Customs chief, nag-ugat ang nasabing pangamba ng ilang kawani makaraang kanyang maipahayag sa ilang panayam sa kanya ang planong isapribado ang komite na may kaugnayan sa pagsubasta ng mga nakumpiskang kontrabando o smuggled goods.

Pero, ito ay nananatiling plano pa lamang at wala pang siguradong aksyon para ito ay maisakatuparan, giit pa ni Biazon.

Sa halip, kinumbinsi ni Biazon ang lahat ng kawani na tulungan siya upang lalong maiayos ang lahat sa buong ahensya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang pangreporma na nauna nang may basbas mula kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Finance Secretary Cesar Purisima.

“Sa mga kasamahan ko sa BOCEA, huwag na nating bigyan ng kontrobersya ‘yung mga pahayag ng Pangulo. Ipakita na lang po natin ‘yung aksyon natin na talagang may reporma tayong ginagawa rito. Makiisa na lang tayo sa reform efforts ng Pangulo,” pakiusap ni Biazon sa mga kawani.

Naging paborable naman ang tugon ng mga empleyado. Anila, buo ang suporta nila sa liderato ni Biazon dahil naniniwala sila sa tapat na adhikain ng huli upang  mareporma ang kawanihan at tuluyan nang mawala ang pangit na bahid nito bilang isang graft-ridden agency.

Sa katunayan, ayon kay BOCEA President Rodolfo Pagulayan, lalong tumaas ang koleksyon ng BoC magmula nang si Biazon ang maupo bilang hepe nito noong Setyembre 2011.

Base sa record mula sa 2012 annual report ng BoC, tumaas ang koleksyon ng buwis at iba pang customs duties ng 9.3 percent or P24.7-billion kumpara noong 2011 na may nakolektang P255.7 billion lamang.

Bago pa man maupo si Biazon, lumalabas na ang annual collections ay P198.2 billion lamang noong 2009 at P227.5 billion naman noong 2010.

Kung hindi pa man ganoon kalaki sa inaasahan ang dapat na makolekta ng ahensya kada taon, ito ay dahilan sa mga luma nang patakaran na kailangang sundin ng ahensya pero dapat nang mabago upang maiangkop sa pangkasalukuyang sistema, ayon pa kay Pagulayan.

Kaya naman, dagdag pa ni Pagulayan, buo ang kanilang suporta kay Biazon sa pagsulong nito sa Kongreso na maipasa agad ang Customs Modernization Bill na mismong ang kanyang ama na si Muntinlupa City Rep. Rodoldo Biazon ang nag-akda at pati na rin ang pag-amyenda sa Tariff and Customs Code of the Philippines.

Sa kasalukuyan, sinisimulan na ni Biazon ang kanyang planong major revamp sa ahensya kung saan lahat halos lalo na ang mga district at sub-port collectors ay maaapektuhan.

“Customs reform is not all about punishing our people. It is also about addressing their needs, morale and welfare,” ayon kay Biazon,  na dati ring naging mambabatas mula sa Muntinlupa City at solidong miyembro ng Liberal Party.

The post Total reforms ‘di privatization ang kailangan – Biazon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>