MANATAY ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) nang atakihin ng pating habang naliligo kasama ang mga ka-trabaho sa isang lagoon ng Diego Garcia sa Califonia, Estados Unidos.
Hanggang sa ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang pamilya ng OFW na si Archetict Fernando Licay na bangkay na itong dumating sa kanilang pamamahay sa Brgy. Patag dito sa syudad ng Cagayan de Oro.
Sinabi ng pamilya na mahirap pa sa kanilang matanggap na nawala na sa kanilang piling ang anak na si Fernando dahil sa sinapit nito sa lugar na kanyang pinagtatrabahuan.
Ayon kay Ginoong Licay, na mag-aanim na taon na ang kanyang anak sa trabaho bilang machine operator sa isang kompanya sa nasabing bansa.
Sinabi ni Licay na nanlaban pa umano ang kanyang anak nang una itong nakagat sa kanyang kanang kamay subalit sa pangalawang atake nito ay hindi na nakaligtas nang makagat ang paa nito sanhi para maubusan ng dugo.
Agad pa itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan subalit nabigo na ang mga doktor sa pagsalba sa kanyang buhay.
Sa ngayon, labis na panghihinayang at pagkaawa ang naramdaman ng pamilya, kaanak at mga kaibigan ng biktima dahil sa sinapit nito.
Iilang araw pa na ibuburol ang mga labi ng biktima sa mismong pamamahay nito sa nasabing bahagi nitong syudad.
Si Licay ay nakatakda sanang uuwi sa Pilipinas sa Disyembre nitong taon upang dadalo sana ng kanilang high school reunion.
Kaugnay nito, nakatakdang ilibing ang labi ni Lica sa darating na Lunes sa lungsod.
Napag-alamang sa buong kasaysayan ng isla, si Licay ang unang inatake ng pating sa nasabing estado.
The post Pinoy architect inatake ng pating, patay appeared first on Remate.