Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

1 sundalo patay, 1 sugatan sa pamamaril sa N. Cotabato

$
0
0

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Kritikal ngayon ang isang sundalo matapos pagbabarilin sa Sitio Tubac, Barangay Pagangan, Aleosan, North Cotabato, pasado alas dyes ng umaga noong Hulyo 22.

Kinilala ang biktima na si Cpl. Usop Pasandalan, 37-anyos, taga Pikit, North Cotabato at naka-destino sa 40th IB na nakabase sa Aleosan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pabalik na ng kanilang detachment ang biktima nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Isinugod si Pasandalan sa Amado Diaz Hospital sa bayan ng Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato ngunit inilipat din ito sa Camp.Siongco Hospital Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao dahil sa tindi ng tama ng bala nito sa tiyan.

Si Pasandalan ay dating miyembro ng MNLF na na-integrate sa Philippine Army.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Samantala, kritikal pa rin ngayon ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Barangay Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato, dakong alas 630 Kagabi.

Kinilala ang biktima na si Datu Geli Ottoh Minang, 53 anyos.

Napag-alaman na pinasok ng di pa nakikilalang gunmen ang bahay ni Minang at pinagbabaril ito.

Tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 45 ang tinamo ng biktima at ngayon ay ginagamot pa ito sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.

Samantala, nagpapagaling naman ngayon dahil sa sugat mula sa ligaw na bala si Arnel Umalca, 36-anyos, na malapit sa bahay ng biktima nang maganap ang pamamaril.

The post 1 sundalo patay, 1 sugatan sa pamamaril sa N. Cotabato appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan