Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

5 senadora, nagpatalbugan sa ‘Filipiniana gowns’

$
0
0

HINDI matatawaran ang ganda at kinang ng mga damit ng limang mambabatas sa Senado matapos silang nagpatalbugan sa ningning ng kani-kanilang baro sa pagbubukas ng ika-16 Kongreso nitong Lunes sa Mataas na Kapulungan.

Si Senadora Loren Legarda ay nagsuot ng kanyang Bagobo skirt na may kasamang Tboli brass belt.

May ‘double row’ brass bells din ito na sinasabing nakaka-attract ng mga ispirito para i-guide ang nagsusuot nito.

“In wearing these garments, I wish to recognize and honor our indigenous peoples for their great contribution to our rich heritage and unique culture,” ani Legarda.

“This is a statement of support to all efforts in preserving our culture and protecting the rights of indigenous people,” dagdag pa nito.

Hindi naman nagpatalo si Senadora Cynthia Villar sa kanyang “terno” na gawa ng kanyang pinsang designer na si Noli Hans.

“It’s asymetrical draping of mocha french tule over the skin tone gown. A swag of orange chiffon for accent. Embroidered lace was arranged on the other side of the silhoutte,” ani Villar.

Lumitaw naman ang kagandahan ni Senadora Nancy Binay sa kanyang color seafoam na Filipinian gown na may lace at gawa sa Piña fabric. Si Randy Ortiz ang designer nito.

Si Senadora Pia Cayetano naman ay mas tumingkad ang ganda sa kanyang suot na black modern Filipina silk gown na gawa ng designer na si Mia Urquico.

“It’s a black modern Filipinia silk gown with black applique and fabric braided accents on the bodice,” ayon kay Cayetano.

Ang No.1 senator naman sa nagdaang eleksiyon na si Senadora Grace Poe ay nagsuot ng Rajo Laurel-made na “white Filipiniana.”

Ayon kay Poe, si Laurel rin ang gumawa ng mga barong ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr. sa loob ng 15 taon.

The post 5 senadora, nagpatalbugan sa ‘Filipiniana gowns’ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>