KAKALAMPAGIN ng militanteng grupong Pagkakaisa ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulation Board at Land Transportation (LTFRB-LTO) sa Quezon City sa Lunes ng umaga Hulyo 22, 2013 bilang protesta sa kanilang sariling State of the Driver Address laban sa 4th SONA ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sa official press statement sinabi ni George San Mateo, national president ng PISTON sinabi nito na sa kanilang (SODA) kukundinahin din ang nakaambang oil hike, upang ihayag ang grabeng paghirap ng driver sa nakalipas na 3 taon administrasyon ni PNOY.
Partikular na sinabi ni San Mateo ang abuso ng Big 3 sa oil hikes & overpricing at ibang pahirap sa driver gaya ng phaseout sa UV Express at ang nakaambang jeepney year model Phase-out pati ang patuloy na pagpapatupad ng LTO sa iligal, excesive at money-making trafic fines & penalties sa ilalim ng LTO-DOTC Dept Order 2008-39.
Pagsapit ng 9:45 am ay mag ca-caravan ang mga drayber papuntang Tandang Sora Commonwealth para sumanib sa martsa-rali ng taumbayan sa pangunguna by BAYAN na magmamartsa papunta Batasan para ilantad ang Pekeng Kaunlaran at tuwid na daan ni Pnoy.
The post LTFRB, kakalampagin ng PISTON appeared first on Remate.