Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Voters’ registration para sa Barangay,SK elections,simula na sa Lunes

$
0
0

MAGSISIMULA na sa Lunes, July 22 ang voters’ registration para sa synchronized Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 28.

Ang 10-araw na registration period ay nakatakdang magtapos hanggang Hulyo 31.

Kaugnay nito, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez na plano nilang i-maximize ang registration period at maging sa weekend ay bukas ang mga tanggapan ng COMELEC mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, upang matiyak na lahat ng mga nais magparehistro ay kanilang maitatala.

Hinimok rin ni Jimenez ang mga botante na samantalahin ang pagkakataon upang makapagparehistro at makaboto.

“This is just 10 days, so please register as early as possible,” aniya pa.

“You can register during weekends, particularly Saturday and Sunday. So students and employees, in particular, should not worry since they can register on those days,” dagdag pa ni Jimenez.

Inaasahang may 700,000 indibidwal ang magpaparehistro para sa barangay elections habang may dalawang milyong kabataan, na nagkakaedad ng 15 hanggang 17-taong gulang, naman ang inaasahang magpaparehistro para sa SK polls.

The post Voters’ registration para sa Barangay,SK elections,simula na sa Lunes appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>