WALANG klase sa elementarya at high school sa pampubliko at pribadong mga eskwelahan sa Quezon City sa Lunes, Hulyo 22 para sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ani Mayor Herbert Bautista, ito ay dahil na rin sa rekomendasyon ng Quezon City Police District (QCPD), Division of City Schools at Department of Public Order and Safety (DPOS).
Ang pagkakansela sa klase ay para na rin sa seguridad ng mga estudyante.
Nagkansela na rin ng pasok sa Lunes ang Quezon City Polytechnic University – Batasan branch, habang ipinauubaya sa Commission on Higher Education (CHED) at pamunuan ng paaralan ang pagkansela sa ibang kolehiyo at unibersidad sa naturang siyudad.
The post Elementarya, high school sa QC walang pasok sa SONA ni PNoy appeared first on Remate.