Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Miriam may bagong sakit

$
0
0

ISANG bagong sakit naman ang nakita ng mga  doktor kay senadora Miriam Defensor Santiago na tinatawag na “slow bone marrow.”

Ito ay makaraang dumaan sa serye ng blood tests ang senador makaraang mag-mild stroke na ginawa sa Philippine Heart Center laboratory at nakita ang abnormal na pagbaba ng red blood cells at  hemoglobin.

Ayon sa doktor, red blood cells ay nagko-contain  ng hemoglobin, isang protina na nagbibigay ng oxygen mula sa lungs at ibinabahagi sa iba’t ibang parte ng katawan kaya’t kung mababa ang hemoglobin, hindi makapagbibigay ang dugo ng sapat na supply  ng oxygen na siyang sanhi ng mabilis na pagkapagod, pagkahilo at iba pang sintomas.

Sinabi ni Dr. Esperanza Cabral, cardiologist ng senadora, na kailangang turukan ito ng  hormone erythrotoietin upang matulungan ang stem cells nito sa bone marrow para makabuo ng blood cells.

Unang nakaranas si Santiago ng chronic low red blood cell count noong magtungo ito sa Europe upang mag-lecture sa isang  international conference na kung saan nahulog ito sa stage na naging sanhi ng pagkabali ng kanyang braso at salamin.

Gayundin, sa resulta ng blood test ni Santiago, nakita rin ang mataas na cholesterol, triglycerides, LDL o ang tinatawag na bad  cholesterol na siyang posibleng sanhi ng pagkakaroon ng mild stroke.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>