NAKATAKDANG simulan sa Huwebes ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng lote sa mahigit 6,000 benepisyaryo ng Hacienda Luisita sa Tarlac.
Kinumpirma ni DAR Secretary Virgilio Delos Reyes na gagamit sila ng tambyolo sa pamamahagi ng lupain ng hacienda simula sa Barangay Cut-cut hanggang matapos sa 10 barangay na nakasasakop sa Hacienda Luisita sa Agosto 21.
Tatanggap ng 6,600 square meters na lote ang bawat benepisyaryo mula sa kabuuang 4,099 hectares na paghahatiang bahagi ng hacienda.
Bibigyan din sila ng orientation at lalagda sa application to purchase at farmer’s undertaking bilang tanda ng pagtanggap nila ang responsibilidad bilang benepisyaryo.
samantala, hindi naman makakatanggap ng lupa ang sinumang tatangging lalagda sa nasabing undertaking.
The post Lote sa Hacienda Luisita ipamamahagi na appeared first on Remate.