LUMALAKAS ang bagyong Isang, ilang oras bago ang inaasahang pagtama nito sa kalupaan ng hilagang Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Alvin Pura, inalerto na nila ang mga naninirahan sa Cagayan at Isabela area dahil sa posibleng landfall ng bagyo mamayang alas-2:00 ng madaling araw.
Huling namataan ang bagyo sa layong 230 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Baler, Aurora.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras, habang kumikilos ng pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas ngayon ang signal number one sa Aurora, Quirino, Isabela, Ifugao, Mt. Province, Abra, Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan Group of Islands, pati na ang Batanes Group of Islands.
Maliban sa Northern Luzon, asahan din ang pag-ulan sa Metro Manila, Southern Luzon at Western Visayas dahil sa hanging habagat.
The post Bagyong Isang lumalakas appeared first on Remate.