KINASUHAN na ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang Irish national na nakumpiskahan ng dalawang stick ng marijuana sa Laoag International Airport.
Inirekomenda naman ang P200,000 pyansa sa suspek na si Eanna O’Cochlain para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ay nanatili pa rin sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang Irish national dahil hindi pa nagbabayad ng kaniyang pyansa o nag-file ng motion to reduce bail.
Napag-alaman na ang asawa ng dayuhan na isang Pinay na taga Batac City ay itinuloy pa rin ang kaniyang biyahe pabalik sa London sa kabila ng pagkahuli at pagkakulong na ng kaniyang asawa.
The post Irish national na nakumpiskahan ng marijuana kinasuhan na appeared first on Remate.