Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

P1.6-B inilabas para sa sira at nabubulok na pumping stations

$
0
0

NAGLABAS ang administrasyong Aquino ng P1.6 bilyong pondo upang gamitin sa pagpapakumpuni ng mga sira at nabubulok nang pumping station sa kalakhang Maynila na nagdudulot ng pagbaha partikular na sa mga mabababang lugar sa tuwing bubuhos ang malakas na ulan.

Ayon sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsagawa sila ng “pre-bid conference” kung saan ay dinaluhan ng ilang mga kompanya na nagnanais makuha ang kontrata sa pagsasaayos at pangangalaga sa mga pumping stations.

Napag-alaman sa MMDA na nasa 12 pumping stations ang kanilang naitala na nangangailangan ng agarang rehabilitasyon upang muling magamit.

Batay sa record ng MMDA, may 51 major at minor pumping stations sa kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA Asst. General Manager for Operations Emerson Carlos, nakasaad sa kanilang kontrata na ibibigay sa mananalong kompanya ang pagpapalit ng lumang mga “diesel pumps” sa “electric-driven pumps” na ginagamit na ngayon sa ibang mga bansa.

Mahigit P50 milyon kada taon ang ginagastos ng ahensiya sa paggamit ng diesel upang makapagpatakbo ng mga pumping stations.

Kung mapapalitan ng “electric-driven pumps”, kayang maiko-convert nito sa elektrisidad na magiging malaking katipiran at gayundin sa pangmatagalang gamit.

The post P1.6-B inilabas para sa sira at nabubulok na pumping stations appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>