TINATAYANG 40 bahay ang naabo makaraang magkasunog sa dalawang sitio sa Barangay Mambaling, Cebu kaninang umaga.
Ayon sa Cebu City Fire Marshall C/Insp. William Tacaldo Jr., umabot sa halos dalawang oras bago nakontrol ang sunog sa Sitio Huyong-Huyong at Sitio
Tinabangay sa naturang barangay.
Dahil sa dikit-dikit ang mga bahay sa naturang lugar at gawa lamang sa light materials kung kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong residente sa sports complex ng barangay.
Patuloy namang inaalam ng Cebu City Fire Department ang sanhi at pinagmulan ng sunog.
The post 40 bahay naabo sa Cebu appeared first on Remate.