MAY basbas ng Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) ang pag-atake at operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao province at villages na malapit sa North Cotabato province noong nakaraang linggo.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na sinabi sa kanya ni Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Lt. Col. Ramon Zagala na dumaan sila sa tamang mekanismo bago nila ikinasa ang kanilang operasyon laban sa BIFF.
Napag-alaman na ang puwersa ng BIFF ay may intensyon na sirain ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan.
Bukod dito, sa ulat, may lumabas na kalatas si Ghadzali Jaafar, MILF vice chair for political affair na nagsabing may ilang MILF fighters ang nadamay at hindi sumasang-ayon sa operasyon ng military
Sinabi ni Usec. Valte na tiniyak sa kanya ni Colonel (Ramon) Zagala na tapos na ang operasyon dahil nagsimula na ngayon (Hulyo 10) ang Ramadhan.
Wala namang ideya si Usec. Valte kung nakakuha rin ng clearance ang MILF o ang 100 breakaway Muslim guerrillas para tapatan ang mga sundalong naglunsad ng operasyon.
Sinasabing tumagal lamang ng tatlong araw ang operasyon ng AFP laban sa BIFF.
The post Operasyon ng AFP vs BIFF, may basbas ng AHJAG appeared first on Remate.