Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kelot binugbog, tinaga ng mag-uutol na kapitbahay

$
0
0

KRITIKAL ang isang lalaki matapos pagtulungang bugbugin at tagain ng magkakapatid na kapitbahay sa Valenzuela City Lunes ng hapon, Hulyo 8.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga bugbog at taga sa balikat si Juanito Roncales Jr., 51 ng Bezzote st., Karuhatan ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ferdinand Selloga, 35 at mga kapatid na  sina Robert, 22 at Ferando, 34 pawang mga kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-5:20 ng hapon, nag-iinuman ang magkakapatid sa tapat ng kanilang bahay nang mapadaan ang biktima na sinita ni Ferdinand.

Pumalag ang biktima na naging dahilan upang magsuntukan sila ni Ferdinand na pinagtulungan naman ng iba pang kapatid.

Suntok, tadyak at palo ng bato sa mukha ang inabot ng biktima kung saan kumuha pa ng bolo si Ferdinand at hinataw sa balikat ang kaaway bago nagsitakas ang magkakapatid.

Dinala sa VGH ang biktima kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan.

The post Kelot binugbog, tinaga ng mag-uutol na kapitbahay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>