KINUMPIRMA ni OFW Family Club partylist Rep. Roy Seneres na ang second nominee ng kanilang partido na si Rep. Johnny Revilla ay nananatiling American citizenship.
Magkagayunman, nilinaw ni Seneres na wala siyang balak na maghain ng reklamo sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) bagama’t aminado siyang ayaw niyang maging katrabaho si Revilla.
“He perjured his statement before the Commission on Elections when he files his certificate of candidacy. We too in the party list were made to believe that he is a true Filipino,” ani Seneres.
Paliwanag ni Seneres na kahit noong kasagsagan ng kampanya ay binanggit na niya kay Comelec Chairman Sixto Brillantes ang ukol sa citizenship ni Revilla subalit walang aksyon ukol dito.
Nang tanungin si Revilla ukol dito, tahasan niyang itinanggi ang alegasyon sa pagsasabing noon pang 2001 niya binitiwan ang pagiging American citizen.
Si Revilla na anak ng beteranong actor na si Armando Goyena ay nagsabing sa tamang panahon ay haharap siya sa isang press conference upang patunayan na siya ay isa ng Filipino citizen.
The post Isa pang kongresista American citizen appeared first on Remate.