ITINALAGA na bilang bagong National Irrigation Administration (NIA) ang senior deputy administrator na si Claro Maranan, kapalit ni Antonio Nangel.
Matatandaang nasibak si Nangel makaraang masermunan ni Pangulong Noynoy Aquino noong anibersaryo ng NIA.
Matindi ang pagkadismaya ng Pangulo kay Nangel dahil sa mga nadiskubreng katiwalian sa NIA.
Matapos pagalitan nitong nakaraang linggo, sinabi ng Pangulo na pinaiimbestigahan niya ang mga hokus-pokus sa NIA.
Ayon kay PNoy, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ni Nangel na 60 percent lamang ang mga nagawang proyekto ng NIA sa kabila ng 100 porsyento ng budget ng ahensya ay nailabas na.
The post Maranan bagong NIA chief appeared first on Remate.