Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Chop-chop boy sa Caloocan City, kilala na

$
0
0

KILALA na ang pinagputol-putol na katawan bago ibinaon sa madamong bahagi sa kung saan love triangle at pagnanakaw ang tinitingnan na dahilan ng mga pulis Caloocan City.

Positibong kinilala ng mga kaanak ang biktima na si Carmelo Villaroel, 22 ng Kaong St., Amparo Subd., nasabing lungsod.

Sa pahayag ng ka-live-in ng biktima na si Jessica Del Rosario, alas-4 ng hapon noong Hunyo 29 ng umalis ng kanilang bahay ang biktima.

Alas-5:30 ng hapon ay nakipagkita ang biktima sa nobyang si Editha De Leon sa San Jose Del Monte, Bulacan at makalipas ang kalahating oras ay naghiwalay na.

Dakong alas-3 ng hapon nang makita ang binti ng biktima sa madamong bahagi ng Anahaw St., Amparo Subd., kung saan nahukay din ang ulo at ilang bahagi ng katawan ni Villaroel.

Lumalabas na nagsama ang biktima at si De Leon sa Maligaya, Quezon City sa kabila na may asawa na ang babae na nagngangalang Esteban Bibliotica, 47, magbababoy.

Nasangkot din ang biktima sa pagnanakaw sa mga computer shop sa kanilang lugar kung saan inaalam pa rin ng mga pulis ang tunay na motibo upang patayin at pagputol-putulin pa ang biktima.

The post Chop-chop boy sa Caloocan City, kilala na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>