NAPATUNAYAN na nakamamatay para sa isang lolo ang simpleng pag-ihi sa tabi ng puno nang mahulog ito sa ilog at malunod noong Lunes ng hapon sa Quezon City.
Dakong alas-10:00 nitong Lunes ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Edgardo Palabio, 54-anyos, residente ng Barangay Tatalon sa San Juan River, sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya, nahulog ang biktima sa nasabing ilog pasado alas-5:30 ng hapon habang umiihi sa tabi ng puno.
Ayon sa mga kapitbahay, malabo ang mata ni Palabio kaya posibleng nadulas o napatid ito kaya dumausdos sa ilog.
Tinangka naman ng mga residenteng sagipin ang biktima pero dahil malakas ang agos ng tubig sa ilog ay hindi na nila ito nagawang tulungan pa.
The post Lolo dyuminggel sa puno, nahulog sa ilog, tigbak appeared first on Remate.