INILABAS na sa publiko ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga mahistrado ng Korte Suprema.
Base sa rekord na isinumite ng mga mahistrado, si Associate Justice Mariano del Castillo ang pinakamayaman na nagdeklara ng P109,743,118.28 habang si Justice Marvic Leonen naman ang may pinakamababang assets na aabot lamang sa P1,674,632.22.
Samantala, si Chief Justice Lourdes Sereno ay may kabuuang asset na P18,143, 104.01, kabilang dito ang apat na residential lot at isang memorial lot, sasakyan at bank deposits.
Kabilang sa mga utang na idineklara ni Sereno ay ang balanse sa housing loan at credit card na aabot sa P1 milyon.
Ang paglabas ng SALN ng mga mahistrado ay kasunod ng pagpapatalsik kay dating Chief Justice Renato Corona na inakusahan ng hindi pagdedeklara ng tamang SALN.
The post AJ Del Castillo, pinakamayamang mahistrado appeared first on Remate.