DUMIRETSO sa third round sina Treat Huey ng Pilipinas at kakamping si Dominic Inglot ng Great Britain matapos patalsikin sina Andre Begemann at Martin Emmrich ng Germany sa men’s double ng 127th Wimbledon Tennis Championships sa All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.
Apat na sets ang inabot bago itumba nina Huey at Inglot sina Begemann at Emmrich, 6-3, 6-7 (2-7), 7-5, 7-6 (7-3) sa second round upang harapin ang top seeded at kambal na sina Bob at Mike Bryan ng USA.
Binokya ng magkapatid na Bryan sina David Marrero ng Spain at Adreas Seppi ng Italy sa tatlong laro, 6-3, 7-5, 6-4.
Pihadong dadaan sa butas ng karayom ang 16th seed Huey at Inglot dahil marami nang nahakot na kampeonato ang kambal.
Sinungkit ng magkambal ang 2006 at 2011 Wimbledon Men’s doubles habang ang Australian Open ay pinag-kampeonan nila ng anim na taon, (2006, 2007, 2009, 2010, 2011 at 2013).
The post Huey sumampa sa 3rd round appeared first on Remate.