Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 kawani ng telco, inaresto ng NBI

$
0
0

INARESTO ng National Bureau of Investogation (NBI) ang dalawa katao kasama ang isang kawani ng kilalang telecommunications company dahil sa illegal na pagbebenta ng Globe Wimax modem.

Kinilala ang mga suspek na sina Ramon Christopher Marquez Rosales, 27,  ng  Bgy.  Cojuangco, Sta. Rosa, Nueva Ecija at part-time  employee ng Globe Telecom; at si Andrew Domingo Dela Cruz, 27, ng Bgy. La Fuente, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Sa report ni NBI Cabanatuan District Office (CABDO) Rizaldy F. Jaymalin kay Director Director Nonnatus Caesar R. Rojas, humingi ng saklolo ang security investigator Globe Telecom dahil sa unlawful sale and distribution ng Globe Wimax modem ng isang Jay-Ar sa pamamagitan ng internet.

Agad na nakipagtransaksyon sa naturang suspek ang tropa ng NBI at security investigator ng Globe at noong June 25, 2013 itinakda ang pagbili ng tatlong piraso ng Globe Broadband Wimax modems sa halagang P2,000 sa Bgy. Rizal, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Dinakip ang mga suspek matapos ang nabanggit na transaksiyon kung saan natuklasan na ang mga ito ay hindi totoong kawani ng Globe telecom habang ang binebenta nilang gadget ay dapat nagkakahalaga ng P18,000 na pag-aari ng Globe Telecom.

Ang dalawa ay kinasuhan ng paglabag Section 09 ng Republic Act 8484, mas kilala bilang “act of regulating the issuance and use of access devices prohibiting fraudulent acts committed relative thereto, providing penalties and  for other purposes sa Cabanatuan City Prosecutor’s Office.

The post 2 kawani ng telco, inaresto ng NBI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>