TODAS ang bagitong pulis matapos pagbabarilin ng kalugar sa Caloocan City Linggo ng gabi, Hunyo 23.
Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib si PO1 Mark Jonnel Susano, 25 nakatalaga sa National Capital Region Police Office at residente ng Bagumbong Dulo ng lungsod.
Nakatakas naman si Mark Anthony Ventura, 24 ng Natividad subd., Bagumbong ng lungsod habang dinakip ang mga kapatid na sina Susan, 47 at Bienvenido 20 ng nasabing lugar.
Sa ulat, alas-11:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Maranaw St., Bagumbong nang salubungin at pagbabarilin ng suspek bago tumakas habang dinala sa EAMC ang una.
Sa isinagawang follow-up operation ay pinuntahan ng mga kabaro ng biktima ang bahay ng suspek subalit hindi binuksan ng mga kapatid ang pinto na naging dahilan upang makatakas ang suspek habang dinakip ang magkapatid na sinampahan ng kasong obstruction of justice.
The post Pulis patay sa kalugar sa Caloocan appeared first on Remate.