DAHIL sa pagbaha, kanselado pa rin ngayon ang ilang klase sa Metro Manila.
Kasabay naman nito, tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naka-antabay pa rin ngayong araw ang kanilang tauhan na nangunguna sa flood control at rescue operations sakaling bumuhos ang malakas na mga pag-ulan.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino, kahit gabi ay naka-deploy ang kanilang rescue team na umaalalay sa mga maaapektuhan ng mga pagbaha.
Samantala, dahil naman sa mga pag-ulan kagabi, napilitang magsuspindi ng kanilang klase ngayong araw ang mga paaralan sa University of the East (UE) sa Manila at Caloocan mula sa kindergarten hanggang sekondarya dahil sa mataas pa ring level ng tubig.
Maliban dito, nagsuspindi na rin ng kanilang pasok ang Little Merry Heart Montisorri Center Greenfields 1, sa Novaliches mula sa pre-School hanggang High School at Pasay dahil sa pag-ulan.
Kaugnay nito, paalala naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na maging alerto at makibalita para sa bagong anunsiyo ng kanilang tanggapan at ng lokal na pamahalaan lalo na’t mataas pa rin umano ang posibilidad ng mga pag-ulan ngayong araw hanggang weekends.
The post Ilang klase sa Metro Manila kanselado pa rin appeared first on Remate.