Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3 pulis-Kyusi dakip sa pangongotong

$
0
0

DINISARMAHAN ng service firearm  ang  tatlong pulis Quezon City na naaresto matapos ireklamo ng pangongotong ng isang sales agent  sa Quezon City nitong nakalipas na  linggo.

Kinilala ang  mga dinis-armahan na pulis na  sina PO1 Ryan Parungo, PO1 Rommel Biag, PO1 Dennis Maagda, pawang miyembro ng PNP at nakatalaga sa mobile patrol division ng Quezon City Police District  station 9 Anonas at  isang police  asset  na si John Dominic Laudio.

Ipinagharap ng reklamo ang  tatlo ng  complainant  na si  Renato Bautista  matapos  siyang mahulidap ng mga ito.

Ayon kay Senior Inspector  Maricar Taqueban  chief Public  Information Office ng Quezon City Police District nag-ugat  ang kaso  matapos arestuhin ng mga pulis ang complainant dahil sa  kasong public scandal  sa tapat ng isang establisment sa Commonwealth Avenue, Diliman, QC nitong nakalipas na Miyerkules gabi Hunyo 12, 2013.

Dahil P600 na lang ang pera sa wallet ng complainant inutusan ito na mag-withdaw sa kanyang ATM card ng P25,000 subalit walang lamang pera ang ATM ng biktima kaya inutusan na lang siyang mangutang sa mga kaibigan.

Hanggang sa bumaba  ang hinihingi ng mga pulis sa complainant sa halagang  P10,000 at pinalaya ang huli para  maghanap ng pera  para maibalik sa kanya ang kanyang mga gamit.

At  nitong nakalikpas  na Huwebes ng gabi muling nakipagkita ang complainant sa tatlong  pulis QC dala ang P10,000 sa tapat ng National bookstore sa Quezon Avenue, QC at dito na dinakip  ang  tatlo.

The post 3 pulis-Kyusi dakip sa pangongotong appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>