PINANINIWALAANG kinulam ang 59-anyos na babaeng preso sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCDC) makaraang lumaki ang tiyan nito at dumumi pa ng alambre.
Kinilala ang biktima na si Blessy Tancol, ng Agreda Subdivision, Koronadal.
Ayon sa selda leader na si Jessa Gonzales, lomobo ang tiyan ng kanyang kakosa hanggang sa dumumi kaninang umaga.
Wala namang plano na magpadala sa pagamutan ang babae dahil mas gusto raw nito na magpagamot sa albularyo.
The post Bebot na preso tumae ng alambre appeared first on Remate.