Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Update: Salpukan ng AUV, trak: 8 na ang patay

$
0
0

WALO na ang nasawi habang lima ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang Asian utility vehicle (AUV) at cargo truck sa Parang, Maguindanao kahapon.

Ayon kay Inspector Harry Gubat, Parang police chief, nagmula ang Toyota Innova sa Malabang, Lanao del Sur, at binabagtas ang Barangay Landasan sa General Santos City bandang alas-3:00 ng hapon nang maganap ang salpukan.
Ayon sa inisyal na ulat, tinangkang mag-overtake ng driver ng van na hindi pa nakilala, at hindi napansin na may paparating na trak sa opposite lane.
“Six passengers were instantly killed. Two of the casualties, who were initially injured, died later,” ayon kay
Gubat.
Agad na dinala ang mga sugatang biktima sa Cotabato Regional Medical Center.
Ayon naman kay Felix Gaslan, driver ng trak, sa panayam sa radyo, nakita na lamang niya ang  passenger van na sinasakop na ang kanyang lane at matulin ang pagpapatakbo na mabilis na sumalpok sa minamaneho niya dahilan upang hindi na siya makaiwas pa.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at kung sino ang dapat managot sa nasabing aksidente.

The post Update: Salpukan ng AUV, trak: 8 na ang patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>