KAKAIBA at hindi normal ang naging hatol kahapon ng isang Regional Trial Court laban sa isang convicted rapist sa Caramoran, Catanduanes.
Ito’y makaraang atasan ang isang rapist na sa halip na pera ang maging danyos sustento ng isda araw-araw ang iniutos bilang kabayaran sa kanyang panggagahasa sa sariling hipag.
Si Severino Galicia Bragais, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Maslog, Brgy. Dariao sa nabanggit na bayan ay hinatulan ng Virac RTC, Branch 43 na araw-araw suplayan o bayaran ng isda ang pamilya ng kanyang naging biktima.
Batay sa naging desisyon ni Judge Lelu Contreras ng Virac RTC, Branch 43, sinentensyahan si Bragais ng anim na taong pagkakabilanggo ngunit pinayagan na sumailalim sa probation period at hindi muna mabilanggo.
Imbes na pera ang ibayad sa 43-anyos na biktima bilang danyos ng suspek ay iniutos na lamang ng korte na mag-suplay ito ng isda araw-araw sa pamilya ng kanyang naging biktima.
Bukod sa pagbabayad sa pamamamagitan ng isda, iniutos din ng korte na bawal lumapit si Bragais sa kanyang hipag ng hanggang sa 100 metro.
Sa rekord ng korte, nadakip ang akusado ng intelligence agents ng Catanduanes-PNP noong nakaraang Disyembre 2012 matapos ang 10 taong pagtatago sa batas.
The post Hatol ng RTC laban sa isang convicted rapist, suplay ng isda araw-araw sa biktima appeared first on Remate.