MAGBIBIGAY si Pasay City Mayor Antonino Calixto ng P200,000 sa sinumang makapagtuturo at makapgbibigay ng impormasyon para mahuli ang mga suspek sa pagpatay sa isang barangay kapitan noong Sabado.
Pinagbabaril si Kapitan Ronnie Laylo ng Barangay 153, Zone 16, Pasay City habang nasa loob ng kanyang tindahan sa Francisco St. nang isa sa mga salarin ang bumaba mula sa motorsiklo at pinutukan ang biktima alas-11 ng umaga.
Ayon kay Pasay City Chief of Police PSr.Spt Rodolfo Llorca, namatay ang kapitan sa mga tama ng bala sa dibdib at braso habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital.
Tinitingnan na ng pulisya ang lahat ng anggulo sa motibo ng pagpatay sa kapitan at isa sa mga anggulo ay ang pagkakautang ni Laylo sa hindi isinawalat na negosyante.
The post P.2M sa magtuturo sa killer ng kapitan appeared first on Remate.