AGAD na ibinasura ng Supreme Court ang petisyon na kumukwestiyon sa legalidad ng tuition fee increase o pagtataas sa matrikula na ipinatupad sa 354 unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Sa unang en banc session matapos ang mahigit isang buwan na recess, nagpasya ang mga mahistrado na ibasura ang petisyon dahil sa isyu ng teknikalidad.
Nabigo raw ang mga petitioner na maisalang ang kanilang kahilingan sa available administrative remedy bago idinulog sa SC.
Ang petisyon kontra sa TFI ay inihain ng Kabataan Party List, National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines, League of Filipino Students, Anakbayan at Kabataan Artista para sa Tunay na Kalayaan.
Sa nasabing petisyon, hiniling ng mga petitioner na magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order at status quo ante order laban sa pag-apruba ng CHED sa tuition fee increase at iba pang school fees ng 354 higher educational institutions para sa school year 2013 hanggang 2014.
Kinuwestiyon din ng mga petitioner ang constitutionality ng Section 42 ng Education Act of 1982 na nagbibigay ng laya sa mga pribadong eskwelahan na magtakda ng sariling tuition fee at iba lang bayarin; gayundin ang ligalidad ng CHED Memorandum Order No. 3-2012 dahil sa kawalan ng probisyon na nagbibigay ng supervisory power sa CHED sa pagtukoy ng tuition fee at iba pang mga bayarin sa eskwelahan.
The post Pagpigil sa tuition fee hike ibinasura ng SC appeared first on Remate.