KINUMPIRMA na ng kontrobersiyal na singer na si Charice Pempengco ang kanyang tunay na kasarian.
Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz, inamin ni Charice na nagkakaaway nga sila ng kanyang ina at higit sa lahat ay inamin niyang isa siyang tomboy.
Matatandaan na nanahimik ng matagal ang singer hinggil sa usapin.
Pero ngayong handa na ang singer ay siya mismo ang nagpa-interview sa batikang TV host.