ISANG Pinay at tatlong Sudanese national ang nadakip makaraang maaktuhang nagpa-pot session sa isang bahay sa lungsod ng Dagupan.
Nabatid ilang buwan na ring isinasailalim sa paniniktik o surveillance ang mga sangkot matapos umanong makatanggap ng impormasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 na gumagamit ng iligal na droga ang mga suspek na kinilalang sina Mohamad Almad Mostafa, Mohamed Imubarak, Imostafa Mohammed at Alpers Guntang.
Huli sa akto ang mga ito ng PDEA agent katunayan mausok pa sa loob ng bahay nang dumating sila sa lugar upang arestuhin ang mga suspek.
Nakuha sa kustodiya ng mga ito ang isang bigkis ng dried marijuana leaves na tinatayang nasa 200 grams at ilan pang drug paraphernalias.
Itinanggi naman ng Pinay na nakikigamit siya ng iligal na droga sa nobyong Sudanese na isa sa mga nadakip.
Sa ngayon ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.