HINDI na matutuloy ang nakatakdang pagbitay sa dating Overseas Filipino Worker (OFW) na hinatulan ng parusang kamatayan sa bansang Saudi Arabia may 13 taon na ang nakalilipas.
Batay sa natanggap naulat na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), mula sa kanilang embahada sa Riyadh, nagpalabas na ang pamahalaan nito ng tanazul o affidavit of forgiveness ang pamilya ng napatay ni Dondon Lanuza.
Magugunitang nagbigay na ang kampo ni Lanuza ng 3-milyong Saudi riyal (SAR) o katumbas ng mahigit P33-M bilang blood money na 2.3-milyon Riyal dito ay donasyon ng pamahalaan ng Saudi.
Dahil dito, hinihintay na lamang ng DFA ang pagpo-proseso mula sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh para makalalabas na ng bilangguan si Lanuza upang maihanda na ang kanyang pag-uwi sa bansa.