BINUKSAN na sa publiko ang opisyal na “Facebook page” ng Department of Foreign Affairs Republic of the Philippines upang mapadali ang ugnayan ng mga Pilipino sa bansa gayundin ng mga Pinoy na nasa ibang bansa gamit lamang mobile at technology-savvy.
Ang inilagay na official DFA Facebook page ay bilang bahagi ng tanggapan sa mas aktibong pag-asiste sa publiko kabilang ang pagkakaroon ng lalong malawak na audience sa paggamit ng pinagkakatiwalaan at napakataas na popularidad ng social networking service gaya ng Facebook.
Ang bagong official page ng DFA ay magbibigay ng impormasyon kaugnay sa tatlong mahalagang suporta para sa dayuhang polisiya ng Pilipinas partikular ang mga impormasyon at anunsyo ng DFA, kanilang mga Embahada, Konsulado at Mission gayundin sa ulat, larawan at kuha sa video ng mga programa, proyekto at aktibidad ng naturang ahensiya.
“The DFA Facebook page is one of the projects programmed under the DFA Strategic Plan in order to advance the Department’s public diplomacy thrusts. We acknowledge that the social media is a powerful communication tool and through Facebook we hope to build stronger relationships with Facebook users and fans and encourage more people to become fans through interactions,” pahayag ng tagapagsalita ng DFA Raul S. Hernandez.
Mas mapadadali sa mga Pinoy na masilip ang mga importanteng impormasyon tulad sa consular at Assistance to Nationals (ATN) services ng DFA, mga balita maging ng mga abiso para sa publiko.
Naglagay din ang DFA ng opisyal nitong nakaraang taon 2012 na Twitter account (@dfaspokesperson) na nagpapakita sa mga DFA media releases, announcements at iba pang updates na maaring pakinabangan ng lahat.
Napag-alaman na ang Facebook page ay extended media platform kung saan unang inilagay ng DAF ang official website na (www.dfa.gov.ph).