PATAY ang isang dalagita nang masagasaan sa Brgy. 8, Lawaan, Eastern Samar.
Kinilala ang biktima na si Emilyn Gaceta, 12.
Nabatid na inutusan lang ang biktima na bumili ng gamot sa botika nang makaladkad ng sasakyan na pag-aari ng kompanya ng Phillip Moris.
Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima agad nitong ikinamatay.
Nangako naman ng tulong ang nasabing kompanya.