PATAY ang isang supporter ng politiko at na ikinamatay din ng 5-anyos na bata nang ambusin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Purok 6, Barangay Kahayagan, Bayog, Zamboanga del Sur.
Nabatid na ang tinambangan na biktima ay supporter ng isang politiko sa nasabing lalawigan, kinilalang si Jerry Garnica, 46.
Lumalabas sa imbestigason na nagmamaneho ng motor si Garnica nang paulanan ng bala ng ilang kalalakihan gamit ang 9mm na mga baril.
Personal na galit ang sinasabing motibo sa pananambang.