ABO na lang ang natira sa bahay ng isang lalaki makaraang sunugin ng kanyang nakaalitang tiyuhin sa Alaminos, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Ferdinand Peralta, ng Brgy Inirangan, habang ang biktima ay si Joel Moreno.
Bago ang panununog ay napag-alamang nagkagalit muna ang dalawa sa hindi pa malamang dahilan na nauwi pa sa suntukan pero naawat ng kanilang mga kamag-anak.
Pero ilang oras pa ang lumipas ay kumuha ng gasolina ang suspek saka sinilaban ang bahay ng biktima bago tumakas.